Hanggang kailan kaya ako tatagal?
Gusto kong saguting tanong na yan ng tanong din!
Hanggang kelan mo ako sasaktan?
Buong buo kong binibigay ang pagiintindi ko sayo sa lahat ng nangyayari. Nalalaman ko na ayaw mong saktang ang isang taong walang ginawa kundi mag bigay ng pagmamahal at magpakita ng kabaitan. Kahit naman ako ang nasa sitwasyon mo hindi ko kayang manakit ng kapwa.
Pero paano ako? naiintindihan mo ba ang pinagdadaanan ko?
Gusto mo ba akong gantihan?
May mga kasalanan din ako at pinagbabayaran ko ngayon ang lahat ng ito. Pero hanggang kailan?
Ang gusto mo bang kabayaran ng pagkakamali ko ay mapagod na lang ako na mahalin ka?
Na gigising na lang ako isang umaga na magpapaalam na lang sayo?
Ang gusto mo bang kabayaran sa lahat nito ay huwag na kitang mahalin at kalimutan ko na lahat ng pinagsamahan natin at mga pangarap natin?
Natatakot ako kung ang mga bagay na ito ang gusto mong itaya....
Natatakot ako kung ito man ang mga bagay na gusto mong gawin ko....
Natatakot ako na ito ang gusto mong matutuhan ko sa lahat ng pagkakamali at pagkukulang ko....
Natatakot akong gumising na wala na akong nararamdaman, wala ng respeto sa sarili at natatakot umibig muli....
Kaya mo ba akong tiisin ng ganito?
Hindi mo ba naiisip na sa tuwing nakikita ko na nakikipag palitan ka ng mga mensahe sa kanya sa harapan ko unti unti mo akong tinatanggalan ng respeto sa sarili ko? Na sa tuwing magpapaalam ka parang kaluluwa ko ang hinuhugot mo at pagkatao ko ang pinapatay mo? Sa ginagawa mo, wala na sa konsepto ng pag ibig, mas nakikita ko ngayon at nararamdaman yung kawalan ng dignidd sa pag katao ko.
Minsan gusto ko nalang maging bata gaya ng ginagawa mo sa akin. Na di dapat ako ngtatanong, hindi ako tumitingin o hindi ako dapat masaktan. Ang realidad HINDI mangyayari yun.
Tama ka, sana hindi ko nalang nalaman pero masaya kaba na pag di ko nalaman ginagago mo ako ng harapharapan habang pilit binubuo araw araw mga plano natin sa buhay?
Minsan naiisip ko kung ako ang mas mahal mo bakit kaya mo akong tiisin na nagpapakamanhid ako sa harapan mo na parang walang nangyayari? Habang buhay na lang ba ako magsusuot ng maskara? Ito ba ang gusto mong makita sa akin sa habang panahon? Plastic ika nga pero ito ba ang gusto mong ipakita ko sayo sa lahat ng oras, masaya pero sa loob unti unting namamatay?
Meron akong choice?
Tama ka meron, maaring binibigay mo sa akin ang pagkakataon mamili... at handa ka na harapin kung lilisan man ako....pero HINDI KO KAYA! Malamang ang isasagot mo sa akin MAGTIIS KA MUNA! Muli ang itatanong ko hanggang kelan mo ako gustong magtiis na ganito ang buhay ko?
Sino at ano ang pinaglalaban mo?
Pinaglalaban mo ang kaligayahan mo? Gusto mong matahimik muli? Hindi ko ba pedeng ibigay sayo yun? Sa loob ba ng halos apat na taon hindi ka ba naging maligaya sa piling ko? Ang totoo patas tayo ngayon. Sabihin mo mang hindi, sa lahat ng nakataya dito sa nangyayari kahit maayos man tayo at maibalik at ang dati pareho tayong hindi matatahimik. Pero naniniwala ako ako na makakalimutan ko ito. Makasarili ka alam mo yun pero sa loob ng apat na taon minahal ko yun at tinanggap ng buong buo...KUNG NANINIWALA KA NA KAYA KONG IBIGAY ANG KALIGAYAHAN AT KATAHIMIKAN NA HINAHANAP MO, KUNG MAS MAHAL MO AKO IPAGLABAN MO NAMAN AKO! IPAGLABAN MO AKO SA SARILI MO AT SA KANYA! KUNG NANINIWALA KA NA GUSTO MO AKONG MAKASAMA HABANG BUHAY IPAGLABAN MO NAMAN AKO! MANIWALA KA SANA! ='(
Alam mo sa lahat ng tanong sa dibdib ko ngayon handa akong makalimot at magsimulang magbago ng kasama ka. Ikaw na lng ang hinihintay ko! marahil dapat matagal ko na itong ginawa at lumipas na ang pagkakataon ko pero HINDI! SANA BIGYAN MO NG PAGKAKATAON kung ano ang binuo natin sa mga nakaraang taon. ASAWA kita LABZ. IKAW ang PAMILYA ko at sana NAKIKITA at NARARAMDAMAN MO PA DIN YUN SA AKIN! MAHAL NA MAHAL KO ANG ASAWA KO! ='(

No comments:
Post a Comment