Ang hirap pala pag wala na yung taong pede mong daingan ng lahat ng sama ng loob mo, yung tipong makikinig lang at sasabihin sa iyo na okey lng....
Sumugal ako dito sa Dubai at iniwan ang propesyon ko kapalit ng mas malaking sahod. Okey lang kasi kasama ko naman si LABZ. Siya lang ang pamilya ko dito. Siya lang ang nakakaintindi sa akin pag nalulungkot ako, stress sa trabaho o namimiz ang pamilya ko sa pinas. Siya lang ang sandigan ko sa lahat ng hirap at sakripisyo ko dito sa Dubai. Para kasing nasa malaki kang kulungan dito sa ibang bansa. Lahat ng pang-aapi mararamdaman mo tsaka bababa tingin mo sa sarili mo pag akala nila eh wala kang alam sa ginagawa mo. Eh kung tutuusin propesyonal kayong pareho. Kinakaya ko yun kasi andyan ang asawa ko.
Sa mga panahon ngayon na nasasaktan ako sa ginagawa niya, sinubukan ko ng madaming beses, andyan yung naramdaman ko na pinagtatabuyan ako, sinasabi sa akin na "ito na naman tayo". Yung pag daing ko nagreresulta lang ng di pagkakaunawaan. Kaya minsan pinipili ko nalang umiyak pag wala siya. Pinipili ko nalang manalangin, Pinipili ko na lng kausapin ang iphone ko. Nagsasalita akong mag isa. Baliw? hindi, wala na kasi ang taong pinagsasabihan ko ng lahat ng ito. Kung sabagay naiintindihan ko naman kahit makinig siya wala din siya magagawa.
Ang hirap pag wala ka nang pamilya dito ibang bansa. Umikot ang mundo ko na siya lang ang pamilya ko. Gumigising ako sa umaga at natutulog na siya lang ang naiisip at natatakbuhan ko. Asawa ko eh bakit pa ako tatakbo sa iba. Kung meron mang mga bagay sa dibdib ko siya ang unang tao na dapat makaalam nun.
Masakit isipin na hindi na nangyayari yun. Masakit tanggapin na yung kaisa isang tao na pedeng tulungan ako ayaw akong tulungan? kasi gusto niya tulungan ang ibang tao. Masakit isipin na walang magagawa ang asawa ko sa lahat ng pag daramdam ko ngayon...
(tita beth namimiss kita! alam ko favorite mo ito.)
(Labz marunong naman akong maghintay kung kelan ka babalik eh, natatakot lang ako! kasi baka isang araw maging manhid na lng ako wala na akong nararamdaman. Napapagod din ang puso db?Sana balang araw....=,)
No comments:
Post a Comment