Magkikita nanaman sila! Binubuno nanaman ang dibdib ko.
Di ko maiwasang malungkot, sumigaw at magalit.
Di ko maiwasang maawa sa sarili ko sa ginagawa niya sa akin...
Ang sakit, ang sakit sakit....
Hanggang kelan ba ako tatagal ng ganito?
Hanggang kelan ako magsasakripisyo ng ganito?
Sana madali nalang umalis at magpakalayo layo sayo,
Sana madali nalang sabihin na hindi na kita mahal...
Alam mo bang sa bawat pagkikita niyo hinihintay kita at inaasam na sabihin mo
sa akin na maayos na ang lahat...sobrang pinapanalangin ko sa Diyos na sana maayos
na ito. Alam kong masasaktan mo siya, alam kong mahirap para sayo na iwan siya,
pero sana maisip mo ako...sana maawa ka sa akin, sana baalng araw matutuhan mong
harapin mga bagay na plagi mo nalang iniiwasan....
Alam mo bang sobrang mahal pa din kita sa kabila ng lahat ng sakit na nararamdaman
ko ngayon? Na mas mahal pa kita kaysa sa sarili ko, alam ko mali pero noon pa man
alam kong nakikita mo sa akin yun. Sobrang sakit na labz kung alam mo lang sana.
Kung nakikita mo lang sana kung gaano kasakit, kung naririnig mo lang sana mga pakiusap
at pagmamakaawa ko...Hindi ko na alam kung kelan ka pa gigising? Hindi ko din alam kung kelan pa ako gigising...
No comments:
Post a Comment